Seguridad sa ASEAN region naging sentro ng usapan nina Duterte at Widodo

Widodo Duterte

Indonesian President Joko Widodo (in suit) and Philippine President Rodrigo Duterte (in white barong) trooping the line inside Malacañan Palace in Manila  (Photo courtesy of  Setkab Ri)

Pagpapatibay ng alyansa at pagtiyak ng seguridad sa Southeast Asia ang naging sentro ng usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo.

Si Widodo ay dumating sa bansa ngayong araw para sa kanyang state visit kasabay ng kanyang pagdalo sa 30th ASEAN Summit. 

Sa Linggo ay magtutungo naman ito sa Davao City kasama ang Pangulo para pasinayaan ang Davao-General Santos-Bitung RORO na inaasahang magpapalakas sa turismo at kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.

Sa kanilang joint press statement sinabi ni Duterte na muling nagkasundo ang gobyerno ng dalawang bansa para labanan ang mga banta sa seguridad sa rehiyon. 

“We recognized the need to address both traditional and emerging threats and expressed readiness to step up cooperation against terrorism, violent extremism, piracy at sea and transnational crimes, including the trade of illicit drugs,” pahayag ni Duterte.

Widodo Duterte 2

Indonesian Pres. Widodo and PH Pres. Duterte exchange pleasantries during Widodo’s state visit in Manila (Photo courtesy of Human/Berita) 

Sinabi naman ni Widodo na ang Pilipinas ay isang kaibigan at importanteng kaalyado ng Indonesia

Kasabay nito ay nagkasundo rin ang dalawang lider na ipagpatuloy at palawakin pa ang pagbibigayan ng “intelligence information”  upang labanan ang mga banta sa seguridad.

“In combating transnational crimes, we also agreed to conduct a joint working group on counter-terrorism this year,” pahayag naman ni Widodo.

Bukod dito ay sinaksihan din ng dalawa ngayong araw ang paglagda sa mga kasunduan na may kinalaman sa agrikultura at transportasyon.

Nagpasalamat din si Duterte kay Widodo dahil sa patuloy na suporta ng Indonesian government sa mga aktibidad na nagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.

“I thanked President Widodo for Indonesia’s sustained support for the peace process in southern Philippines. With Indonesia’s assistance and that of our friends, we are hopeful of turning the potentials of Mindanao into reality,” pahayag ni Duterte. 

Habang isinusulat ang balitang ito ay isang state banquet ang kasaluyang dinadaluhan ni Widodo at ng mga kasamang opisyal nito na inihanda para sa kanila ni Duterte sa Malacañang.-DCR

 

Advertisements