Benham Rise expedition ng DA, BFAR at PCG nagsimula na

Benham

Nagsimula na ang Benham Rise mission na inaprubahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang expedition ng gobyerno sa Benham Rise ay ginagawa ngayon sa pangunguna ng  Bureau of Fisheries and Aquatice Resources (BFAR), Department of Agriculture (DA) at ng Philippine Coast Guard (PCG). 

Noong May 3 ay nagsimula ng tumulak ang BRP Malapascua ng PCG at MCS 3001 research and monitoring ship na pinatatakbo din kasama ang coast guard kasama ang BFAR.

Layunin ng ekspedisyon na pag-aralan ang tubig at mga yamang dagat sa Benham Rise na mapapakinabangan ng bansa. 

Bago tuluyang maglayag papuntang Benham Rise ay magkikita kita muna ang exploration team sa Infanta, Quezon.

Magtatagal ang mga mananaliksik ng gobyerno sa Benham Rise simula May 7. 

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, bukod sa pag-escort ng BRP Malapascua sa research ship ng BFAR ay magsasagawa din ang coast guard ng pagpapatrulya sa lugar.-DCR

 

Advertisements