₱106K/monthly gross salary | Mocha Uson assistant secretary ng PCOO

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa pinaka popular nitong tagasuporta na si  Margaux Justiniano Uson o mas kilala bilang si “Mocha Uson” bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operation Office (PCOO). 

Ang appointment paper ni Uson ay nilagdaan ng Pangulo kahapon.

Dahil dito ay awtomatikong bibitawan ni Uson ang kanyang posisyon sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bilang board member. 

Sa mga paunang impormasyon na nakukuha ng Manila Journo ay hahawakan umano ni Uson ang social media arm ng PCOO. 

PCOO

Si Uson ay kilalang tagasuporta at tagapagtanggol ng Pangulo simula pa noong panahon ng kampanya.

Ang isang assistant secretary sa ilalim ng Executive branch ng gobyerno ay nasa salary grade 29 na katumbas ng ₱106, 454 base sa pinakahuling salary matrix schedule mula sa Department of Budget and Management. 

Ang kanyang blog na MOCHA USON BLOG sa kasalukuyan ay mayroong mahigit sa 5M likes sa Facebook at halos 5M follower. Ang kanya namang twitter page ay mayroon ngayong 139 libong followers.-DCR

 

 

Advertisements