Sen. Cayetano bagong kalihim ng DFA

Alan

DFA Sec. Alan Peter Cayetano 

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ang inianunsyo ngayong hapon ng Pangulo sa kanyang departure speech bago lumipad patungong Cambodia. 

Ang anunsyo ng pagtatalaga kay  Cayetano ay ginawa ng Pangulo isang taon matapos ang May 09, 2016 National Elections o matapos ang appointment ban na itinatakda ng batas para sa mga natalong kandidato sa nagdaang halalan.

Bago ang anunsyo ng pagkakatalagang kalihim ng DFA, si Cayetano ay nagtungo sa Geneva, Switzerland at humarap sa United Nations Human Rights Council. 

Doon ay tahasang ipinagtanggol ni Cayetano ang ginagawang kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyon.

Pinasinungalingan din ng senador ang mga alegasyon na state-sponsored ang mga nagaganap na patayan sa bansa.

Mariin ding sinabi ni Cayetano sa harap ng UN body na walang extrajudicial killings na nagaganap sa Pilipinas.

Papalitan ni Cayetano si acting DFA Sec. Enrique Manalo na isang career diplomat sa naturang ahensya.-DCR

 

Advertisements