Australian journo tinamaan ng ligaw na bala sa Marawi City

Adam

 

Tinamaan ng bala sa kalagitnaan ng kanyang coverage ang isang Australian journalist sa Marawi City kaninang umaga.

Nakilala itong si Adam Harvey na Southeast Asian correspondent ng  Australian Broadcasting Corporation (ABC).

Nabatid na nagsasagawa ng interview si Harvey sa mga evacuees na nasa loob ng compound ng provincial capitol ng maramdaman niya ang pagsakit sa kanyang leeg.

Agad na nagtungo ang mamamahayag sa infirmary para malapatan ng lunas bago agad na idinala sa Amai Pakpak Medical Center.

Sa x-ray result na ipinost ni Harvey sa kanyang social media account, makikita na nakabaon pa din ang bala sa kanyang leeg.

Sa ngayon ay may malay at nakakakilos naman ng maayos si Harvey.

harvey.PNG

Hindi pa rin malaman kung saan nagmula ang ligaw na balang tumama sa mamamahayag.

Hindi lamang si Harvey ang nabiktima ng ligaw na bala sa lugar. Matatandaan na nito lamang nagdaang araw ay isang binatilyo ang namatay matapos tamaan ng ligaw na bala habang nananalangin sa loob ng isang mosque doon.

Hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang bakbakan sa Marawi City sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at mga teroristang Maute.

Sa pinakahuling bilang ay nasa 206 na miyembro ng bandidong Maute na ang napapatay sa bakbakan habang 58 naman ang namatay na sa panig ng gobyerno at 26 sa panig ng mga sibilyan.-DCR

 

Advertisements