#Eid2017 | June 26 regular holiday ayon sa Malacañang

Eid

Walang pasok sa darating na Hunyo 26 (Lunes) matapos itong ideklara ng Malacañang bilang regular holiday. 

Base sa inilabas na Proclamation No. 235 ng Palasyo, walang pasok sa mga paaralan at opisina sa naturang petsa bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa kanilang paggunita ng Eid ‘l Fitr o ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan. 

Ayon sa inilabas na kautusan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Hunyo 26 ang petsang inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos para sa gawing holiday kaugnay sa pagdiriwang ng nasabing okasyon.

Ang Eid ‘l Fitr ng mga Muslim ay isang makulay at masayang pagdiriwang.

Katumbas ito halos nang pagdiriwang ng Pasko ng mga Kristyano.

Sa ganitong okasyon ay nananalangin ng sama sama ang bawat pamilyang Muslim, nagsasalo salo sa pagkain at nagbibigayan ng mga regalo.-DCR

Advertisements