La Naval De Manila 2017 | Maria: Ina ng Kristiyanong Sambayanan

Maria: Ina ng Kristiyanong Sambayanan

Ito ang tema nang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Ina ng Santo Rosaryo ng La Naval de Manila na kilala rin bilang Birhen ng La Naval ngayong taon. 

Ang tema ay hinango mula sa pagtatalaga ng Simbahang Katoliko dito sa Pilipinas sa taong ito bilang  Taon ng Parokya (Year of the Parish). 

Magsisimula ang pagdiriwang ng La Naval 2017 sa Pambansang Dambana ng Reyna ng Santo Rosaryo ng La Naval (Sto. Domingo Church) sa Quezon City sa darating na September 28 para sa pagluluklok sa kanyang trono (enthronement) ng imahe ng Santo Rosaryo.

Mula naman September 29 hanggang October 7 ay gaganapin ang nobena. 

Ipagdiriwang ang engrandeng kapistahan ng La Naval sa October 8 kung saan isang prusisyon ang nakatakda.-DCR

 

Advertisements