#TRASLACION2018 | Pasok sa Maynila suspendido sa January 9

Idineklara na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Lungsod ng Maynila sa Enero 9 bilang pagbibigay daan sa paggunita ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Sakop ng kautusan ni Estrada ang lahat ng paaralan pampubliko man o pampribado. 

Suspendido din ang pasok sa mga ahensya ng gobyerno na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa nasabing araw maliban sa mga nangangalaga sa maintenance, sanitation at kalusugan. 

Kasabay ng Traslacion 2018 ay magpapakalat naman ng nasa 5,000 pulis ang Manila Police District para pangalagaan ang seguridad. 

Inaasahan na milyun-milyong deboto ang dadagsa sa Maynila mula Quirino Grandstand hanggang sa Quiapo at mga karatig kalsada nito sa naturang araw upang makibahagi sa pagdiriwang.

Pinaalalahanan naman ang lahat nang nais sumama sa Traslacion na sundin ang mga patakarang inilatag ng mga awtoridad upang maging ligtas at mapayapa ang okasyon.(TMJ-DCR)

 

Advertisements