Media groups nagpahayag ng suporta sa Rappler

NUJP focap

Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang media organization sa Rappler matapos kanselahin at hindi na kilalanin pa ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang certificate of incorporation ng nasabing online news agency na katumabas para ito ay hindi na makapag-operate. 

Sa kanilang pahayag, mariing kinondena ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ang para sa kanila’y maliwanag na pagsikil hindi lamang sa Rappler kundi maging sa kalayaan sa pamamahayag dito sa bansa. 

Kasabay nito ay nagpahayag ng buong suporta ang NUJP sa Rappler at nanawagan sa lahat ng mamamahayag sa Pilipinas na magkaisa laban sa pagsikil sa kanilang kalayaan.

“We are sure Rappler, as it has said, is capable of mounting a legal defense against what amounts to their closure. As it does so, the NUJP declares it full support to Rappler and all other independent media outfits that the state has threatened and may threaten to shut down. We call on all Filipino journalists to unite and resist every and all attempts to silence us,” pahayag ng NUJP. 

Ikinabahala naman ng  Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) ang pagkansela ng SEC sa certificate of incorporation ng Rappler na katumbas na rin umano upang paralisahin ang operasyon ng nasabing online news site. 

Ayon sa FOCAP, ang isang mamamahayag ay dapat na maganapanan ang kanyang trabaho sa isang paligid na ligtas sa pang-aabuso at pananakot. Giit pa ng FOCAP, ang pagpuntirya sa isang mamamahayag ay para na ring pagpuntirya sa demokrasyang tinatamasa ng isang bansa. 

Maging ang grupo ng mga artista ay nagpahayag ng suporta sa Rappler. Ayon sa grupong Let’s Organize for Democracy and Integrity (LODI) isang alyasa ng mga nasa industriya ng sining at midya, ang ginawang desisyon ng SEC laban sa Rappler ay tahasang pagsikil sa pamamahayag at pagpapahayag ng sarili. 

Kasabay nito ay ipinaalala ng grupong LODI kay Pangulong Rodrigo Duterte na walang sinuman kahit na pangulo ang nakakaangat sa batas. 

“We call on our colleagues in the arts and media communities to expose and thwart any threat or act from the fascist Duterte regime to scare and terrorize us from defending democracy and promoting integrity. We must jealously guard what remains of our precious freedoms,” pahayag pa ng grupong LODI. 

Ngayong araw ay ibinaba ng SEC ang desisyon nito na hindi na i-renew pa permit ng Rappler para makapagsagawa ng operasyon at iniutos ang agarang pagsasara nito dahil umano sa paglabag sa Konstitusyon partikular na ang pagbabawal sa pagmamay-ari ng anumang dayuhan sa negosyong may kinalaman sa media dito sa bansa. (DCR/TMJ)

 

Advertisements