PAGPAPASARA SA RAPPLER “GOOD NEWS” AYON SA MOCHA USON BLOG

good news

Screenshot from Mocha Uson Blog Facebook Page 

 

‘Good news’. 

Ganito ang maikli subalit makahulugang reaksyon ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Margaux ‘Mocha’ Uson matapos hindi i-renew ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang permit to operate ng online news site na Rappler.

Gamit ang kanyang Facebook Page na Mocha Uson Blog ay tila ikinatuwa pa ng nasabing opisyal ang pagpapasara sa Rappler.

Matatandaan na isa si Uson sa mga mahigpit na kritiko ng Rappler kasama na ang administrasyong Duterte.

Ngayong araw ay ibinaba ng SEC ang desisyon nito na hindi na i-renew pa permit ng Rappler para makapagsagawa ng operasyon at iniutos ang agarang pagsasara nito dahil umano sa paglabag sa Konstitusyon partikular na ang pagbabawal sa pagmamay-ari ng anumang dayuhan sa negosyong may kinalaman sa media dito sa bansa. 

“The En Banc finds Rappler, Inc. and Rappler Holdings Corporation, a Mass Media Entity and its alter ego, liable for violating the constitutional and statutory Foreign Equity Restriction in Mass Media, enforceable through laws and rules within the mandate of the commission,” bahagi ng SEC en banc decision na may persang Enero 11 subalit inilathala sa website ng komisyon ngayong araw. 

Ayon pa sa mismong artikulo mula sa Rappler, ipinawalang bisa din ng SEC ang  Philippine Depositary Receipt (PDR) ng Omidyar  at maging ang  Certificate of Incorporation ng Rappler Inc. Ang Omidyar Network ang isa sa mga foreign investor ng nasabing kumpanya

Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, inirerespeto nila ang naging desisyon ng SEC sa isyu. 

Sa kabila ng kautusan para matigil ang operasyon, nangako ang Rappler sa mga mambabasa nito na mananatili itong matatag sa kabila ng sa tingin nito ang panggigipit sa kanilang ng administrasyon Duterte. -DCR

Advertisements