PNoy mapapanood sa Gandang Gabi Vice

vice
Vice Ganda with Pres. Benigno Aquino III Image courtesy of Vice Ganda Facebook

 

Mapapanood sa pambihirang pagkakataon si Pangulong Benigno Aquino III sa sikat na Sunday late night show na Gandang Gabi Vice ng ABSCBN.Personal na kinapanayam ng GGV host na si Vice Ganda ang Pangulo kung saan tinanong niya ito hinggil sa iba’t ibang usapin.

Mismong si Vice pa ang dumalaw sa Malacanang para makapanayam ang si PNoy.

Sa larawang ipinost sa Facebook ni Vice Ganda ay halatang parehong nag-enjoy sa question and answer portion sina Vice at PNoy.

Sa kanyang panayam sa kay Boy Abunda sa programang Aquino & Abunda Tonight sinabi ni Vice kung gaano siya ka-excited sa naturang interview kasama ang Pangulo.

Mapapanood ang paglabas ng Pangulo sa GGV sa Enero 4, 2015.

Kilalang malapit na kaibigan ng kapatid ni PNoy na si Kris Aquino si Vice.

Bukod naman kay PNoy ay marami na ring pulitiko ang nakapunta at nakisali sa mga pakulo ni Vice sa kanyang programa.

Kabilang sa mga ito sina Sen. Antonio Trillanes, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Sonny Angara, at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.-DCR

1 Comment

Leave a comment