Download Paolo Bediones scandal part 2

Paolo

 

Kumakalat ngayon sa social media at iba pang site sa internet ang sinasabing part 2 ng sex scandal ng TV5 host na si Paolo Bediones.

Biyernes ng hapon ng magsimulang kumalat sa internet ang naturang video na may habang mahigit sa 16 minuto.

Matatandaan na unang kumalat ang sinasabing sex scandal ng tv host noong nakaraang buwan ng Hulyo lamang.

Sa pagkalat ng naturang video bagama’ t hindi tahasang inamin ay sinabi ni Bediones na may taong namba-black mail sa kanya at binantaang ikakalat ang kanyang video.

Sa pagkalat rin ng unang video ay agad na nagpalabas ng statement ang TV5 bilang pagsuporta sa kanilang tagapagbalita.

“The recent issue involving our news anchor, Paolo Bediones, on social media is a purely personal and private matter in which TV5 has no involvement or desire to intrude.” 

“We accord our employees and talents all respect that are due them for their privacy and personal action or decision. We disapprove strongly the malicious and wanton publication of the video, an act that clearly violates pertinent cybercrime laws. We firmly express our support for our anchor Paolo Bediones in the face of a controversy that represents nothing more than an attempt to smear his reputation,” pahayag pa ng network.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagsasalita si Bediones tungkol sa sinasabing pagkalat ng ikalawang bersyon ng sex video para patunayan kung siya nga o hindi ang sangkot dito.

Hindi na bago ang pagkalat ng mga malalaswang video ng ilang sikat na personalidad sa internet.

Sa kabila nito ay maaari pa ring maharap sa kaukulang parusa ang sinumang mapapatunayang sangkot sa pagpapakalat ng mga malalaswang video at larawan.

Maaaring maharap sa kasong paglabag sa mga probisyon ng RA 9995 o mas kilala bilang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang sinumang mapapatunayang sangkot sa gawaing ito.-DCR

Advertisements