Malaswang video na kuha sa Liberal Party oath taking sa Laguna kumakalat

Kumakalat ngayon ang isang video na nagpapakita ng malaswang sayaw sa pagitan ng isang Liberal Party member at miyembro ng grupong Playgirls.

Naganap ang naturang performance ng Playgirls matapos ang oath taking ng mga bagong miyembro ng Liberal Party na isinabay na rin sa pagdiriwang ng birthday ni Cong. Benjie Agarao ngayong araw.

Tinawag naman na tasteless ni House Speaker Sonny Belmonte ang naturang insidente. 

Aniya, kakausapin niya si Agarao tungkol dito.

Sa naunang ulat ng The Manila Journo, nabatid mula sa emcee ng programa na ang mga sexy dancer ay surprise gift umano ni MMDA Chairman Francis Tolentino para sa mga nagsidalo sa okasyon.

Si Tolentino ay nauna ng nagpahayag ng kanyang intensyong tumakbo bilang senador sa ilalim ng Liberal Party. 

Bukod kay Tolentino ay dumalo rin sa pagtitipon si Liberal Party standard bearer Mar Roxas at Laguna Gov. Ramil Hernandez. 

Sa ngayon ay patuloy na umaani ng batikos mula sa social media ang naturang aktibidad ng Liberal Party sa Laguna.DCR

 

Advertisements