Pagtalon ng isang lalaki sa Edsa-Kamuning flyover huli sa kamera

 

Sugatan matapos tumalon ang isang hindi nakilalang lalaki kahapon ng hapon sa bahagi ng Edsa-Kamuning flyover south bound sa Quezon City.

Nakunan pa ng video ang aktuwal na paglambitin at tuluyang pagtalon ng biktima. 

Tila wala sa kanyang sariling pag-iisip, lumambitin muna sa railings ng flyover ang lalaki at nagsisisigaw bago ang pagtalon nito.

Bago pa man ang insidente ay nakaresponde na sa lugar ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection at naglatag ng isang air bag na pansalo sana sa biktima.

Sa kabila nito ay nagtatakbo papalayo sa mga sasalo rescuer ang lalaki bago tuluyan tumalon pabagsak ng Edsa.

May malay pa ang lalaki ng ito ay itakbo ng mga rescuer sa East Avenue Medical Center.

Patuloy namang inaalam ang motibo ng lalaki sa ginawa nitong pagtalon.-DCR

Advertisements